Para lang malinaw…

Posted On March 28, 2010

Filed under Uncategorized

Comments Dropped leave a response


Nahanap ko na ang lalaking pakakasalan ko.

Yan ang linyang binitawan ko ilang araw na ang nakalipas.

Madami tuloy nagtatanong, sino? Bakit?

Iclarify ko na lang din siguro.

Hindi ako in love okay?

Wala akong nararamdamang love for him.

Siguro, oo in love na nga ko para mabitawan ang linyang ganyan kabigat.

Pero hindi sa kanya kundi sa idea ng pagkatao niya.

I shall borrow a line from a friend: “If you’re a girl, why not him?”

At oo, babae pa din ako. Hahaha! (Parang may contestation ba about this?)

Nakakainlove naman talaga kasi siya eh.

Ang tulad niya ang taong pipiliin mong pakasalan.

Oo. At kung may magtanong ulit, ang masasagot mo lang: “At bakit hindi siya?”

Siguro nabigla lang din iyong iba kong kaibigan.

Lagi ko kasing sinasabi na ayaw ko magpakasal.

Katoliko ako at I consider marriage to be sacred kaya kung ako papapiliin, huwag na lang.

Wala kasing forever sa vocab ko kaya ganito ako mag-isip.

Kung pagkakaibigan nga nasisira paano pa iyong mag-asawa?

Kung sa kaibigan nga hindi magawa ng tao magcommit, paano mo siya aasahang kaya niya pag kinasal siya?

Sorry naman, ganito lang talaga ko.

So ayun, nabigla na lang ang mga tao ng sabihing kong nahanap ko na siya.

Iyong lalaking pakakasalan ko.

Pero sorry to break your bubble, hindi ako in love.

Gusto ko lang iyong pagkatao niya, pero not necessarily him.

Hehe, pero kinikilig ako pag pinag-uusapan siya.

Lol, ang gulo ko. Haha.

Nasabi ko na ito kay Dheu eh. Nagkita kasi kami at nagpakuwento siya about “him”.

I’m a very energetic person. Wild at aggressive sa paningin ng iba.

Hindi ako wild tulad ng konsepto ng “wild” ng ibang tao pero oo maypagka nga. Haha!

Hindi kasi ako iyong traditional Filipina na dapat mahinhin, masunurin, etc.

Magaslaw ako, sabi nga ni Bumcheol, boyish.

Hindi ako mapakali sa isang lugar.

Maypagkadominating at demanding din.

Hindi ako kakayanin ng partner ko.

Uubusin ko ang energy niya. (Lol, why did that sound so…)

Pero siya… Siya iyong tipo na magagawa niyang balansehin iyong personalities namin.

Hindi ko siya lalamunin.

(Baka ako pa lamunin niya… Hahaha! Natatawa ko kahit dapat seryoso toh…)

Na kung kakailanganing magadjust, magagawa niya. (Ayiiieee, ayan na naman ako…)

Magagawa niyang makipagcompromise sakin.

Hindi tulad ng iba.. *frowns* (At siyempre kinompare ko sila?)

Tsaka pumayag na din si daddy*. Hehehe…

Base daw sa pagkakakilala niya sa kanilang dalawa, dito na siya.

At siyempre talagang hiningi ko ang approval. Mabait kasi akong anak.

Ewan ko lang sina ate** kung boto sila dito over doon sa isa.

Pero actually mahirap din.

Untouchable kasi siya. Mahirap siyang landiin. Bwahahaha!

Kaya mukhang hanggang doon na lang talaga ko sa idea ng pagkatao niya.

Mukhang imposibleng makuha iyong mismong tao. Hahaha!

Anyway, hanggang dito na lang muna.

Next time ko na kayo ulit babalitaan kung may progress kami.

Notes:

* Si Paulo iyong tinutukoy kong daddy dito.

** Sina Emma at Bea ang ate ko, kung hindi pa kayo pamilyar sa family tree namin.

Leave a comment