Ewan ko ba..

Posted On January 10, 2010

Filed under Uncategorized

Comments Dropped leave a response

Hindi ko alam kung tanga ko o in love.
We’re total opposites pero still, here I am…
Kahit may mga bagay na hindi mo ko maintindihan..
Kahit may mga bagay na alam kong we won’t totally agree upon..
Andito pa din ako.. *sighs*

Natatakot ako kasi baka nga seryoso na toh..
Natatakot ako kasi ayoko ma-in love.
Ayoko mafall ng tuluyan sa isang tao.
Ayoko ng ganoong feeling.
Kung iyong iba hinahanap iyon, ako hindi.
Kung pwede iwasan, iiwasan ko.
Hangga’t pwede iwasan, iiwasan ko!

Pero ikaw ano? Andyan ka! Paligid-ligid..
You make it hard for me na iwasan iyong ganitong feeling.
For a long time, a very long time, hindi ako nakaramdam ng ganito.
Tapos ikaw lang pala? Sayo lang pala?
Twice pa lang akong umiyak dahil sa lalaki.
Iyong isa bata pa ko noon so understandable iyon.
Iyong pangalawa matanda-tanda na ko.
Tapos ikaw… Gaaaahh! Naiinis ako..
Ayoko nga kasi ng ganito okay?

Hindi ako iyong tipo na makikipagcompromise.
Sabi ko nga kay Bea, kung gusto mo ko, ikaw iyong magadjust.
Pero bakit pag sa’yo I’m willing to do that?
Ika nga ni Bea: “You’re willing to break your rules for him.”
Hindi ako iyong tipong maghihintay, pero ginagawa ko iyon for you.
Hindi ako ganoon kapasensyoso, pero bakit sayo nagawa ko?
Pag may gusto kong sabihin, I don’t hesitate to do so.
Pero pag may kinalaman na sa’yo, napapaisip muna ko kung dapat ko bang sabihin o hindi.
Pag kasama kita, pinapatay ko iyong mp3 ko.
Hindi ko iyon ginagawa sa ibang tao.
Para sakin kasi, kung gusto nila ko kausapin, mageeffort sila.
Pero sa’yo, nageeffort ako.
Nagtatanggal ako ng earphones para lang malaman mo na I’m willing to listen.
Na nasa iyo ang attention ko kung may gusto ka man pag-usapan.

Dati wala lang sakin kahit anong suotin ko pero ngayon iba na.
Iniisip ko na kung ano iyong dapat kong suotin.
Dapat hindi ganoon karevealing kasi baka kung anong isipin mo.
Dati carry lang na magshorts ako o mini skirt.
Pero ngayon, pag alam kong malaki iyong chance na magkita tayo, nagsostockings ako.
Hindi na pwede iyong pasexy. Dapat decent ng tingnan.

At bakit ganoon? I’m always calm and collected sa harap ng taong gusto ko.
Pero pag sa harap mo na, I crumble into little pieces.
You turn me into a little girl. Samantalang mas matanda ako sa’yo.
At alam mo ba kung gaano ka kanakakainis? Kung gaano kakitid iyang utak mo?
Kung bakit hindi mo magawang matanggap at intindihin na may mga taong sadyang liberated sa paligid mo tulad ko?!
Pero bakit ganoon? Kahit na galit na ko sa’yo… gusto pa din kita makita?

Tama si Bea. I’m willing to break my rules for you.
Maliban na lang sa commitment at marriage. Ibang usapan na iyon.
Willing ako magadjust kasi maliliit na bagay lang naman iyon.
It’s not like kailangan kong baguhin iyong buong pagkatao ko.
Pero ano? Iyon ba ang gusto mo? Na magbago ako totally?
Hindi kasi ako ganoon. Hindi ako iyong conservative at traditional na taong tulad mo.
Oo liberated ako. Hindi ako naniniwala sa courting.
Mahalay ako. Malandi. Green. Nagbabasa ng tarot.
Pero anong magagawa ko? Iyon ang interest ko sa buhay.
Hindi ko naman sinasabing dapat matuto ka din ng tarot.
Hindi ko naman sinasabing dapat maging green ka din.
Ang sa akin lang, sana magawa mong intindihin iyon.
Na sana minsan, isipin mo baka nakakasakit ka na ng damdamin ng ibang tao.
Masyado ka kasing close-minded.
Alam mo ba kung gaano na kadaming tao iyong naturn-off sa’yo dahil sa ganoon mong ugali?
Pero ano? Wala lang sa’yo.
Ewan ko ba bakit ako nandito pa din.
Bakit ganoon pa din iyong nararamdaman ko sa’yo.
Tanga na nga siguro talaga ko.

Leave a comment