I’m moving on.

Posted On December 21, 2009

Filed under Uncategorized
Tags: ,

Comments Dropped leave a response

From all the stress, the ups and downs, the hf/more serious part of my lovelife, etc.

Patapos na ang taon and I want to start 2010 like the way I started 2009.
Masaya. Tumatawa. Ngumingiti. Naiiyak… sa kakatawa.
After being with my elementary classmates and talking about our other classmates, haha.
Nainspire ako na magmove on na.
Kung ayaw mo ang mga nangyari, madali naman magumpisa muli.
Yung mga sobrang sakit na nangyari, di mo yun makakalimutan.
But surely, you can leave it behind and be able to smile again.
Be able to laugh like you used to.
Sabi nga namin ni Bea, mahirap ng ibalik iyong dati.
I’m not completely giving up. Di ko itatapon iyon.
Pero surely, mahirap diba?
Mahirap ibalik ang dati.
But in time, alam ko, naniniwala ako, na maibabalik iyon.

Except sa cellphone.
I’m completely giving up. Di na maiibalik iyon.
Kay ate pa naman ang cellphone na iyon.
Iyong akin kasi talaga nasira. So pinahiram ako ni ate.
Pero ano? Ayun, nawala.
Kasama ng sim card na pinakaiingatan ko.
Madami kasing numbers na nakasave dun.
Numbers ng mga taong wala sa friendster, multiply, facebook o ym ko.
Mga taong once in a blue moon ko lang makita pero nakakatext ko pa.
How do I contact them?
How do I tell them na kahit anong gawin nila, never ng magriring iyong phone.
Yuck, ang drama, hahaha.

Anyway…
I’m moving on na din sa lovelife.
“Nasasaktan ako oh baby, sa tuwing nakikita ka..”
Ayoko ng masaktan pag nakikita ka, yuck, gumaganun?
Kahit sandali lang, nag move on ako kay odi/mister/ano pa bang tinawag natin sa kanya???
Ayun. Pumasok kasi si HF sa eksena.
Ako naman pumatol sa kalokohang iyon.
Pero ayoko na din kay HF.
For three reasons. (Oo ganyan ako ka-logical sa love, talagang naglilista ko.)

One, narealize ko kasi na si odi/mister/insert other names here pa rin iyong gusto ko.
Di ko lang kasi matanggap na out of this world siya kaya ko pinilit mag move on.
Kaya ko pinilit tumingin sa iba, aka HF.
Pero after ilang araw, narealize ko nga na hinahanap ko pa din siya.
Iyong second reason ay dahil sa paguusap namin ni Niqo.
Oo, may problems ako sa commitment. Toxic ako sa word na yan.
Hindi ko alam bakit, pero pag nafifeel kong papunta na sa seryosohan, lumalayo ako.
Sabi nga ni Dale: “You’re a natural at flirting.”
Magaling daw ako lumandi, pero mas magaling ka pa din friend, hahaha!
Ang problema sakin, nilalandi ko ang mga maling tao. Hahaha!
Pag gustong-gusto ko na kasi iyong guy, lumalayo na ko.
Toxic nga kasi ako sa commitment, sabi ni Niqo, haha.
So ayun nga, natakot lang ako na papunta kami dun ni HF.
Paano kung it’s something more than HF-ing na? Oo, ako na ang assumera.
Pero better if lumayo na ko ngayon kaysa lumala pa.
Better kung putulin ko na ang HF-ing na nagaganap.
Iyong third reason ay dumaan lang na parang bula. Hahaha.
Nagtext kasi si Reinna.
Ayaw na daw niya kay tall, moreno dude with glasses.
According daw kasi sa book na binabasa niya na regalo pala ni Pao na ang title ay:
“I Kissed Dating Goodbye”.
Dapat commitment-based ang love at hindi flirting.
Dahil diyan, ititigil ko na ang HF-ing with HF.
At lalayo na kay odi/mister/insert other names here.

Ayun. Buti nga mahaba-haba ang bakasyon (kahit paano).
Matagal-tagal bago ko sila makita ulit.
So here I come 2010.
I’m ready na. And excited na din. ^-^x

Leave a comment