Ayoko ng manahimik

Posted On December 6, 2009

Filed under Uncategorized
Tags: ,

Comments Dropped leave a response

Ika nga ni Bea, no regrets.

Ayoko ng manahimik.
Kala niyo ba kayo ang nasaktan?
Hindi kayo ang biktima, kala niyo lang kayo.
Pinapalabas niyong kayo pero hindi.
Kung meron mang nasaktan kami iyon. Kami ni Bea.
Hindi niyo lang kasi alam gaano kahirap ang binubuhat ng Execomm.
Paano ba namin ibabalanse lahat?
Paano kami mananatiling kaibigan niyo kahit na kami ang Execomm.
Kami ang pinapagalitan. Kami ang humaharap sa CIS.
Pinilit kong magtimpi. Nanahimik ako. Nagpasensiya.
Pero napuno din ako. Hindi naman ako robot eh.
Sabi ko naman diba? Tao ko.
Wala ba kong karapatan magalit?
Ano pa’t ako ang presidente?
Hindi niyo kasi ako sineseryoso dahil ako toh.
Mahilig ako makipagbiruan, mahilig ako tumawa.
Nagagalit na ko tumatawa pa din ako.
Paano ba naman ako seseryosohin ng orgmates ko.
Pag alam kong may kasalanan ako nagaapologize ako.
Pero ngayon bakit ko ibababa ang pride ko?
Bakit ako ang unang lalapit?
There’s nothing to apologize for.
May point ako. May dahilan ako para magalit.
At inisa-isa ko iyon sa GA.
Iyong mga taong involved nagapologize.
Si Czar at Myra nagapologize.
Pati si Yanna nagapologize din.
Sila iyong mga involved. Sila ang pinagalitan ko.
Pero bakit iyong mga hindi ko pinagalitan sila ang nagrereact ng ganyan?
Sila ang nagpapalabas na biktima. Sila ang nagpapalabas na nasaktan.

Ia Louisse Guevarra: Muntik ko ng di mabasa lahat dahil sa kakaiyak.T.T (mula sa blog ni Dylan: read it here)
– Bakit ka iiyak? Anong nangyari para maiyak ka?

Nagulat ako ng mabasa ang blog ni Dylan.
“The org and the friendships”..
Bakit? Tinira ko ba ang pagkatao nila?
Tinira ko ba sila bilang ako si Chesca?
Pinagalitan ko sila bilang presidente ng organisasyon.
Pinagalitan ko sila dahil naapektuhan na ang image ng org.

Dianne Despi: wala akong masasabi pang iba. sana mabasa ‘to ng mga taong patuloy na nag-iisip na fanclub ang UP Arirang. (mula sa blog ko: read it here)

– Exactly my point. Pero ating isipin bakit nga ba iniisip na fanclub ang org?
Tingnan mo ang mga taong bumubuo nito. Tingnan mo paano sila umasta.

And again etoh ako.
Pinagalitan ko sila dahil ano na naman ang labas ng org?
Ano na naman ang tingin nila sa atin?
Sino ang seseryoso sa Arirang kung tingin nila lahat ng nandito ay raging fangirls?
Mahal ko ang org, ang Arirang.
Alam ko naiintindihan niyo ko dahil kayo mismo sinasabing mahal niyo ang Arirang.
Kaya ngayon tatanungin ko kayo, anong gagawin ninyo kung madaming nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa organisasyong pinaghihirapan niyo?
Pinaghihirapan ko ang organisasyong ito.
Alam iyan ng orgmates ko sa POLSCi. Priority ko ang Arirang.
May mga GA kami at events na sinacrifice ko para sa Arirang.
Pero ano? Pinapahalagahan ba ng mga tao dito ang pinaghihirapan ko?
Pinapahalagahan ba ng members ang paghihirap ng Execomm nila?
Paulit-ulit na lang eh. Pare-pareho na lang ang nagtatrabaho.

Hindi ko tinitira ang pagkatao nila ng pagalitan ko sila.
Pinagalitan ko sila dahil sa trabaho.
Nasaktan sila dahil tinira ko ang pagfangirl nila?
Pero anong magagawa ko kung nakakaapekto na ang pagfangirl nila sa trabaho?
Tama si Dheu ng sabihin niyang: “dapat nasa labas din ng trabahong opisyal ang pagfafangirl” (mula ulit sa blog ni Dylan).

“Pero sa kabilang banda naman, sana maintindihan din natin na ang iba satin fangirl talaga. Di na magbabago ang fact na fangirl talaga sila” (mula ulit sa blog ni Dylan)
– Uulitin ko lang. Fangirl din naman ako eh. Hindi ba ko fangirl? Pero bakit ako nagagawang magtrabaho? Ako na iniintindi ang acads, orgs, at trabaho (tutor).

“Magkaroon na lang siguro tayo ng pasensyang pagsabihan sila, at huwag naman tayong bigla na lang sasabog at magcoconclude ng kung anu-ano.” (mula ulit sa blog ni Dylan)
– Hindi naman ako sasabog kung hindi sumosobra. I told everyone sa GA last Wed., Dec 2. na naka 5 strikes sila. 5 beses akong napuno sa kanila but i held it back dahil ayaw kong magkaaway-away. Pero for them na maka 5 strikes? Sinong hindi magagalit? Hindi ako sasabog kung hindi ako napuno. Lagi na lang akong nagpapasensiya.
Matanda na tayong lahat, sana alam niyo na minsan hindi na nila kelangan ng paalala. Dapat alam niyo na iyong tama at mali.
Nagkulang ba sa paalala? Lagi akong nagloload para makapagtext. Nagsesend din ako ng message sa ym, yahoogroups at facebook pero ano?
Sino ang nagrereply? Sino ang sumasalo ng trabaho? Pare-pareho na lang.

Hindi kami masasaktan ni Bea ng ganito kung hindi namin pinapahalagahan ang mga tao sa organisasyong ito. Kaibigan namin kayo.
Paano namin ibabalanse ang pagiging kaibigan at Execomm?
Pag pinapagalitan namin ang members, org-related lang naman ah.
Wala kaming karapatan makialam sa personal life niyo.
Ang hindi namin maintindihan ay bakit kayo ganun magreact?
Kayo ang naghalo ng “org at friendship”.
Sa amin ni Bea, labas ang trabaho sa friendship.
Pinapagalitan namin kayo dahil hindi kayo nagtatrabaho ng maayos.
Pero sana, labas doon, magkakaibigan pa din tayo.
Na matapos naming magalit bilang Execomm niyo, makakalabas pa din tayo at makakapagsaya dahil magkakaibigan tayo.
Bakit kami ni Czar nakabuo pa ng kanta noong KPop Idol matapos ko siyang pagalitan sa ginawa niya noong Food Exhibit?
Bakit kami ni Sarah nakapagnoraebang at nakapaginumn pa matapos kong pagalitan ang members ng org?
Bakit sila nagawang intindihin iyon? Bakit iyong iba hindi?
Bakit iyong mga kaclose pa namin ni Bea?
Bakit iyong mga inasahan naming makakaintindi sa sentiments namin?

Sa kanila ako dati nagoopen. Sa kanila ako dati nagrarant.
Pero ngayon bakit ganoon?
Nasasaktan kami ni Bea dahil kayo iyong mga close friends namin pero kayo pa ang unang tumira samin.
Kayo ang unang nagignore. Ang unang umiwas.
Nasasaktan kami ni Bea dahil doon.
Pero bakit ang labas kami ang nakasakit sa inyo?
Hindi niyo ba naiintindihan ang part namin?
Naging Execomm pa naman dati si GD.
Sana naiintindihan niya kung gaano kahirap ang trabaho ng isang Execomm.
Sana naiintindihan niya kung gaano kahirap na manatiling isang kaibigan ngunit hindi kalimutan na officer siya ng org.
Sana naiintindihan niya kung gaano kahirap sa isang presidente ang sermonan ang members niya, lalo pa na karamihan sa mga ito ay kaibigan niya.

Napakahirap na kalbaryo niyan. Presidente ka at kaibigan nila.
Paano mo sila papagalitan ng hindi ka nakakasakit?
Paano mo titiisin ang lahat para lang hindi magkagulo?
I want to borrow a quote from a former orgmate.
“Sometimes, you need to be cruel to be kind.”
Naniniwala ako diyan.
Kung ako nahihirapan na ng ganito, isipin na lang natin ang mga magulang pag pinapagalitan nila ang mga anak nila.
Napakahirap nga naman.

Leave a comment